+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(To all my foreign readers, please let me write this training in Tagalog for my Filipino Business Partners. The English version of this will be posted later for you. Thanks You)
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Bakit nga ba karamihan ng mga tao ay negative ang reaksiyon kapag networking business ang pinag-uusapan?
- Most people kasi di nila matanggap na puedeng pala magkaroon ng income na malaki pa kesa sa salary mo per month sa trabaho mo na umuubos ng time mo.
- Some of them have been exposed sa networking tactics ng mga amateurs at di alam ang tamang strategy ng isang professional na networker. Meron yung mga nakakainis na tactics na yayain ka sa opisina nila kasi may available na trabaho. At magugulat ka na lang na seminar pala ng networking ang napasukan mo. KAYA KA NGA NAGHAHANAP NG TRABAHO kasi wala ka ng pera, madedenggoy ka pa ng mga networker na ganito.
- Come to think of it, ang kaibigan mo o isang dating kaibigan na matagal nang nawala sa buhay mo pero bigla kang kukumustahin sa Facebook, tapos aalukin ka sa isang negosyo o pagkakakitaan na pwede kayong kumita ng Php 100,000 to 1,000,000 a month, tapos makikita mo sa mga photos nya mukha naman wala din at puro pa sahre ng kung anu-anong product. Anong magiging reaksyon nung taong yun? syempre hindi sila maniniwala! Lalong lalo na yung nakakakilala sayo. Pamilya mo, Kaibigan mo, Barkada mo, kamag anak at ka relasyon mo.
Kasi ang Pinoy mindset ay nabuo mula nung bata ka pa. Kailangan mag aral ng maigi, makatapos ng pagaaral para pagka
graduate natin, makahanap tayo ng matinong trabaho para kumita tayo ng PERA.
Mas makatotohanan kasi pakinggan kung magkakaroon ka ng kikitaing pera sa loob ng isang buwan na may halagang PHP 10,000 to PHP 30,000 depende sa profession mo.
Pero sa mga sweldong ito, yung mga basic needs lang talaga yung pwedeng mabili o matugunan. Clothing, Pambayad ng Bills, Load, Pagkain, Gasul, Pamasahe, Allowance ng anak, pamangkin, pambili ng groceries, Tuition fees pambayad sa inuupahang bahay kung nangungupahan man, Project sa school etc…
Tapos sa sweldong yan, may naisisingit pa tayong pambili ng mga “WANTS" - Cellphone, Ipad, Bike, hulog hulugan na motor, Pang Date at regalo sa nililigawan o sa GF/BF para sa monthsary, Pang inom, pang dota, Bday Celebrations, design sa bahay, T.V na Flatscreen kasi ganun na yung uso, Cable t.v para makapanood ng HBO, Cartoon network at Cinemaone etc. Tapos ang nangyayari, hindi na tayo nakakapag ipon. Nagkakautang utang pa tayo sa banko, ibang tao o sa kumpanyang pinagtatrabahuhan natin.
Minsan naiisip nating kulang na kulang talaga ang kinikita natin buwan buwan para isipin pa yung pangarap natin na magkaroon ng sariling bahay at lupa, yung maganda at magarang kotse. Wala na yun. Kasi kalokohan na kung iisipin mong magkakaroon ka ng ganon, ang pag asa na lang natin tumaya tayo sa lotto o kaya wala nang choice, kundi mag abroad na lang. Kasi takot tayong tumawid sa kabilang side ng buhay. kasi ang tingin natin, hindi natin kaya yung ganon. Ano yun? Yung RICHER side ng buhay mo.
Bakit marami namang tao ang mayayaman o yung mga dating mahirap na biglang yumayaman? Ang idea kasi natin sa mga yumayaman na katulad nila e talagang masisipag lang pero tayo din naman kahit anong sipag natin, kahit tatlo tatlo pa trabaho natin sa abroad, at the end of the day, hindi pa rin sapat yung pera natin sa bangko para makaabot tayo sa idea na mayaman tayo.
Ang Electric Bill sa MOA (Mall of Asia) sa loob ng isang buwan ay pumapalo ng 8M pataas. (isang SM pa lang yun.) e kalat ang SM Nationwide.
Kung si Henry Sy ang alukin mo ng trabaho at sabihin mo sa kanya na pwede siyang kumita ng PHP 100,000 to PHP 1,000,000 a month,....
Kasi yung mga kilalang mayayaman tulad nila Henry Sy, Lucio Tan etc. naturuan sila o na mindset sila na kaya talagang kitain o magkaroon ka ng Savings na PHP 10 Billion.
Eh anong pagkakaiba natin sa kanila? Tao din naman sila, parehas lang naman ang design ng utak nila sa utak natin?
Kasi sila, hindi sila takot malugi sa umpisa. Hindi sila natatakot mag fail at willing sila matuto ng matuto. Willing silang bumangon kahit nag fail na. Determinado silang maging mayaman o manatiling mayaman.
Professionalism ba talaga ang sagot?
Kailangan ba talagang ipinanganak kang Genius tulad nila Bill Gates, Mark Zuckerberg para maging milyonaryo? Hindi, ang kailangan mo lang naman talaga ay maging Open minded sa mga opportunity. Umalis sa Comfort zone at willing matuto at determinadong umasenso. Kasi hindi naman ipinanganak ang mga tao na nakaregister na sa opisina ng city hall o NSO na magiging mayaman siya e…
Ganuon ba yun? si Mark Zuckerberg ba nung ipinanganak, sabi ba sa kanya ng doktor na nagpa anak sa nanay niya na “magiging CEO ito ng Facebook paglaki." Sabi ng nurse “anong facebook dok?"
Ang lahat kasi ay natutunan....na pagaaralan. Sinasanay. Pinagpapapraktisan. Dinedesisyunan.
So takot ang mga tao sa Networking kasi marami na ang nag Failed. Hindi daw kumita. Nakinig sila sa mga taong hindi kumikita sa ganitong klaseng Business. Mas nakikinig sila sa narinig nila at pumasok na sa utak nila na ang NETWORKING ay SCAM pero hindi naman talaga nila totally alam kung ano ang pagkakaiba ng dalawa.
Walang nagpi-fail sa NETWORKING, pero madaming nag - Quit kasi, AYAW MALUGI, TAKOT UMALIS SA COMFORT ZONE, at NAAAKIT AGAD SA MADALIANG KITA.
Takot ang tao sa networking kasi, sa networking, aminin na natin na kapag na invite ka sa networking e meron itong “PUHUNAN" pero sa mga sarado ang isip ang tawag nila dito ay “BAYAD" . Para sa mga taong negative talaga sa Networking ang tawag nila dito ay “SCAM"
"Aaaaaayyy yan yung recruit recruit tapos, harap harapan ka nilang hoholdapin pero maganda yung mga sinasabi nila kaya mapapa payag ka ng hindi mo namamalayan." Ang tawag naman ng iba dito na hypnotize, na gayuma o kung anumang black magic ang naiisip nila. Kasi ang feeling nila, nauuto sila na magbayad sa kanila at sumali."
Most People, would not join Networking
Nahihiyang mag invite o kasi ang tawag nila sa invite e “RECRUIT" kasi merong mga Terms na napapanood sa t.v tungkol sa mga “illegal recruiter" kaya ang tingin nila sa salitang “recruit" ay paaasahin pero lolokohin lang naman.
Pero ang talagang iniilagan ng mga tao sa Networking e yung “BAYAD" “peperahan lang kayo niyan. Yung mga nauna lang yung kikita diyan." Yung iba naman, ang Hanap nila talaga ay Trabaho.
"KAYA NGA KAMI NAGHAHANAP NG
TRABAHO KASI WALA KAMING PERA
EH." TAPOS HIHINGAN NYO KAMI NG
PERA?" “WHAT THE HECK?!"
Pero hindi nila naisip na kahit magtrabaho sila as employee, Call Center, Crew, Office Staff, Messenger o kahit ano pa, bago sila makapasok e namumuhunan din naman talaga sila e. May bayad ang medical, after 6 months, kapag naghahanap ka ng
bagong work kasi kadalasan contractual ang trabaho e., Panibagong Medical na naman. Tama? Clearances: NBI, POLICE, BARANGAY, Phil Health, SSS, PAGIBIG, NSO Authenticated birth certificate, lahat naman ng yun gagastusan mo ng pera … pamasahe mo pa, pang load mo pa, pagkain, pambili ng Formal o semi formal na attire, pampa print ng sandamakmak na resume etc… To cut the long story short… Gagastos ka din talaga.
Para saan? para sa PHP 10,000 a month.
I’m not saying na masama ang maging empleyado, okay lang yan. kaya lang hindi rin talaga kakasya para tugunan ang pangarap. Lalo na kung madami kang anak! Paano mo mapapagaral ang lahat ng anak mo o mapapakain man lang tatlong beses isang araw kung kulang na kulang yung kinikita mo sa loob ng isang buwan.
Eh paano kung nagkasakit ka at hindi mo na kayang magtrabaho, anong gagawin mo? Pipilitin mo pa rin ang sarili mong magtrabaho kahit halos mamamatay ka na para lang mabuhay ang mga anak mo. Eh paano kung namatay ka na, kawawa naman yung mga anak mo. ano na lang mangyayari sa kanila?
Ang mangyayari nyan, magagalit tayo sa Gobyerno at sila yung sisihin natin pero hindi muna natin pinapansin yung sarili nating kapalpakan!
Kahit naman mangurakot lahat ng politiko sa Pinas, bakit sila Lucio
Tan, Gokonwei, Henry Sy, payaman pa din ng payaman?
Sisisihin pa natin yung mga magulang natin kasi hindi nila tayo pinagaral. Sisisihin natin yung mga teacher natin kasi, ang panget nila magturo. Kaya tayo mahirap. Hindi natin alam na nagiging habit na natin ang manisi ng manisi kapag hindi natin trip ang nangyayari sa buhay natin. Imbes na gumawa ng paraan, ang gagawin natin manisi…
Kaya ang Mindset natin ay sa mahirap... pang PHP 10,000 a month lang talaga... pang OFW (I am not against OFW) pero ginagawa tayong alipin sa ibang bansa kasi masisipag tayo magtrabaho para sa pera, at nagbabayad pa tayo bago makalis sa bansa para maging alipin lamang ng ibang lahi. Sa Pilipinas, ang mga amo natin “CHINESE o ibang lahi" Di po ba tayo ay mga Pinoy , pero bakit kahit sa Pilipinas na sariling nating bansa, alipin pa rin tayo.
Di kasi tayo pumili at nagdesisyon para malagpasan ang pagiging alipin o mahirap.
Be one of us at maipapakita namin sa inyo ang paraan para makalipat sa Rich Zone.